Pumasok na sa top ten si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. base sa partial ang unofficial result ng COMELEC transparency server ngayong hapon.
As of 2:50 PM, nakakuha si Revilla ng 14,141,793 na boto. Sumunod sa kanya si Koko Pimentel na mayroong 14,129,736. Si Nancy Binay ang kumumpleto sa magic 12 na nagkamit ng 14,105,239 na boto.
Sa kanyang Facebook account, pinasalamatan ni Revilla ang mga taong bumoto at naniwala pa din sa kanya. Dagdag pa niya, bagamat kailangan pa hintayin ang opisyal na resulta ng bilangan, ipinadama pa din ng taumbayan ang demokrasya ng bansa.
Nangunguna pa din sa senatorial race si Senadora Cynthia Villar na nakapagtala ng 24,463,539 boto. Kasunod sina Senadora Grace Poe; Special Assistant to the President Christoper ‘Bong’ Go; Deputy House Speaker Pia Cayetano; dating PNP Chief at BUCOR Director Bato dela Rosa; Senador Sonny Angara; dating Senador Lito Lapid; Gobernador Imee Marcos, at dating MMDA Chairman Francis Tolentino.