Bongbong Marcos, humingi ng paumanhin sa mga na-food poison sa kaarawan ng ina

572
File photo

Humingi ng paumanhin ang dating senador na si Bongbong Marcos sa mga na-food poison sa birthday celebration ng kaniyang ina na si Imelda Marcos.

“Ako po ay humihingi ng paumanhin at lubos na pag-unawa sa nangyaring ito. Makakaasa po kayo sa aming tulong hanggang ang lahat ay tuluyang gumaling,” ani Bongbong.

Umabot sa 240 ang naitalang nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagkahilo sa adobong may patatas at itlog na inihanda sa mga bisita.


Dinala naman sa mga pinakamalalapit na ospital sa Pasig ang mga biktima ng food-poison.

Bukod sa adobo, mayroon ding spaghetti, pork, siopao at manok ang mga pagkain na nasa handaan.

Sinabi rin ni Bongbong na iniimbestigahan na ang nangyaring food poisoning.



Facebook Comments