Bongbong Marcos, naglabas na ng pahayag kaugnay sa sinabi ni Pangulong Duterte na isang presidential aspirant ang gumagamit ng cocaine

Naglabas na ng pahayag si dating Senator at Presidential Aspirant Bongbong Marcos sa blind item ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang kandidato sa pagkapangulo ang gumagamit ng cocaine.

Sa statement na inilabas ngayong umaga, sinabi ni Bongbong na sumailalim na siya sa cocaine test kahapon kung saan negatibo ang naging resulta.

Agad naman itong ipinadala ngayong umaga sa Philippine Drug Enforcement agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at maging sa National Bureau of Investigation (NBI).


Iginiit din ni Marcos sa publiko at sa BBM-Sara tandem supporters na mananatili silang mapagmatyag at patuloy na isusulong ang laban kontra iligal na droga.

Sa huli, hinimok ng dating senador ang mga kapwa kandidato sa eleksiyon na sumailalim din sa drug test upang maipakitang tapat ang mga ito sa tungkulin.

Kahapon unang sumailalim sa drug test ang tandem na sina Senator Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III kung saan pawang negeatibo rin ang lumabas na resulta.

Facebook Comments