Nakipagpulong kamakailan si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilan pang provincial governors, ilang linggo bago ang national elections.
Ginanap ang pulong sa campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City at dinaluhan ito ng 15 gobernador na kinabibilangan nina Danilo Suarez ng Quezon; Rodito Albano ng Isabela; Hermilando Mandanas ng Batangas; Arthur Yap ng Bohol; Dax Cua ng Quirino; Susan Yap ng Tarlac; Jose Riano ng Romblon; Florencio Miraflores ng Aklan; Philip Tan ng Misamis Occidental; Eduardo Gadiano ng Mindoro Occidental; Alexander Pimentel ng Surigao del Sur; Bonifacio Lacwasan ng Mountain Province; Suharto Mangudadatu ng Sultan Kudarat; Bai Mariam Mangudadatu ng Maguindanao at dating Gov. Jun Ynares III ng Rizal na kumatawan kay Gov. Rebecca Ynares.
Una nang nakipagpulong si Marcos noong nakalipas na linggo sa 10 gobernador na sumusuporta sa kanyang kandidatura bilang pangulo.
Kabilang sa mga dumalo sa naunang pulong ay sina Governors Imelda Dimaporo ng Lanao del Norte; Francisco Emmanuel Ortega III ng La Union; Nancy Catamco ng Cotabato; Esteban Evan Contreras ng Capiz; Damian Mercado ng Southern Leyte; Ferdinand Tubban ng Kalinga, Joy Bernos ng Abra, Jerry Dalipog ng Ifugao at Camiguin gubernatorial bet Rep. Xavier Jesus Romualdo.
Ayon kay Marcos, tinalakay sa unang pulong kasama ang mg gobernador ang vote protection, maging ang mga concern at priority programs sa kani-kanilang mga probinsya.
Nangyari ang unang pulong noong April 3, kasabay ng ikalawang presidential debate na inorganisa ng Comelec.
“Vote protection, yun ang aming napagusapan para makatiyak tayo na maganda ang takbo ng halalan. Mabilang lahat ng boto at hindi magka-problema,” sabi ni Marcos.
Sa press statement, inihayag ng kampo ni Marcos na 73 mula sa 81 gobernador sa bansa ang sumusuporta sa kanyang presidential bid.
Nabanggit din ang naunang pahayag ni Narvacan mayor Chavit Singson na nagsisilbiing pangulo ng League of Municipalities of the Philippines.
“Yung sinabi ni Chavit (Singson) na almost 90 percent ng governors are already for Bongbong. Totoo yun. Right now we have a new President,” ayon kay Quezon Governor Danilo Suarez.
“I don’t see any unprecedented event that can hamper the victory of Bongbong,” dagdag pa niya.