Napanatili ni dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagiging frontrunner sa pinakahuling pre-election survey ng Radio Mindanao Network-Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE).
Sa isinagawang survey noong Marso 2 hanggang Marso 5, nakakuha si Marcos ng kabuuang 55% mula sa Balance Luzon, National Capital Region, Visayas at Mindanao.
Sinundan si Marcos ni Vice President Leni Robredo na may bahagyang pag-angat na nasa 18%.
Ikatlo naman si Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 12%, Senator Manny Pacquiao na may 5% at Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na may 3%.
Samantala, 6% sa respondents ang nagsabing undecided pa rin sila o wala pang napipiling kandidato habang ang nalalabing presidential candidates ay wala pang 1% ang nakuha.
Nasa 2,400 respondents na may edad 18 pataas ang sumagot sa face-to-face survey ng RMN-APCORE at may +/- 2% margin of error at 95% confidence level.