Manila, Philippines – Star-studded ang 80th birthday party ng Regal Entertainment Matriarch na si Lily Yu Monteverde o mas kilala ng lahat sa tawag na “Mother Lily”.
Ginanap ang bonggang party ni Mother Lily sa Crowne Plaza Manila Galleria kagabi kung saan kabilang si Vice Ganda sa mga dumalo.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng unkabogable star na wala siyang pelikula sa Regal Entertainment pero feeling niya ay Regal Baby siya dahil lagi siyang pinupupug ng halik ni Mother Lily sa tuwing nagkikita sila.
Pinuri rin niya si Mother Lily sa naging kontribusyon nito sa movie industry.
Samantala, present din kagabi sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang anak nilang si Zia, Kylie Padilla at Aljur Abrenica, Angel Locsin at Neil Arce, Mark Herras at Winwyn Marquez, Barbie Forteza, Jak Roberto, Sanya Lopez, Janella Salvador, Elmo Magalona, Lovie Poe, Jane Oineza, Myrtle Sarrosa, Janus Del Prado, Miles Ocampo, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Sunshine Cruz at anak na si Angelina Montano, Sue Ramirez at marami pang mga batikan at baguhang artista.