BONGGA! | Save the date video ng debut ni Isabelle Duterte, usap-usapan

165

Manila, Philippines – Matapos ang kontrobersyal na pre-debut shoot sa Malacañang ni Isabelle Duterte, pinag-uusapan ngayon sa social media ang Save-The-Date video ng dalaga.

Pero hindi ito kuha sa Malacañang, kundi sa ilang parte ng New South Wales sa Australia.

Ang naturang video ay kuha pa rin ng photographer na si Gianne Carlo Chua habang ang mga pre-debut photos ay kuha naman nina JP Velardo at Angel Go.

Ilan sa mga larawan ay kuha sa Centennial Park, Sydney Opera House at sa Kiama na sikat sa mga Surfing Beach at Caravan Parks.

Sa January 19 magse-celebrate ng kanyang 18th birthday si Isabelle na gaganapin sa the Peninsula Manila sa Makati.

Facebook Comments