BONIFACIO DAY, IPINAGDIWANG SA IBA’T IBANG LUNGSOD SA PANGASINAN

Ipinagdiwang sa iba’t ibang lungsod sa Pangasinan ang ika-162 Anibersaryo ng Bonifacio Day bilang pagpupugay sa kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan.

Sa Lungsod ng Alaminos, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng maikling programa at wreath-laying ceremony kasama ang mga kinatawan mula sa Sangguniang Panlungsod, uniformed personnel, at mga civic organizations.

Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng pag-alala sa aral ng kasaysayan at patuloy na pagpapalakas ng diwa ng paglilingkod-bayan.

Ipinabatid rin sa mensahe ng lungsod ang muling pagtitibay sa tapat na serbisyo, integridad, at nasyonalismo, kabilang ang paalala na ang tunay na paglilingkod ay nakaangkla sa marangal na pamumuhay at pag-una sa kapakanan ng mamamayan.

Nag-alay din ng bulaklak ang mga dumalo sa monumento ni Andres Bonifacio, isang aktibidad na isinagawa rin sa iba pang lungsod sa lalawigan bilang pagpapatuloy ng taunang tradisyong naglalayong kilalanin ang kanyang mahalagang ambag sa kasarinlan ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments