Nagsimula nang gumalaw ang ilang labor organization at progresibong grupo na magsasagawa ng mga kilos protesta kaugnay sa paggunita sa kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio.
Unang magtitipon sa Morayta sa Maynila bago ang martsa sa Mendiola ng alas 8 ng umaga ang Kilusan para sa Pambansang Demokrasya at Workers for Peoples Liberation.
Ang iba namang grupo mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila tulad ng Quezon City at CAMANAVA area ay magtatagpo naman sa harapan ng University of Sto. Tomas ng bandang alas 10:30 bago sumanib sa pwersa ng unang grupo na nasa tulay na ng Mendiola.
Asahan na tatalakayin ng mga demonstrador sa kanilang programa ang mga isyu ng contractualization, unemployment, inflation at TRAIN Law, higit sa lahat ang usapin sa national minimum wage, trade union repression at iba pa.
Ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino pagkatapos ng kanilang rally sa Mendiola ay muling magmartsa patungo sa Mehan Garden kung saan isagawa ang boodle fight na tatawagin nilang ‘Salo-Salo Kamtin ang Panalo’.
May mga kilos protesta din na mangyayari sa Plaza Miranda sa Quiapo Maynila.
Sa panig ng pulisya mananatili silang nakaalerto at nakabantay sa mga kaganapan ngayong araw.