BONIFACIO DAY | Manggagawang magtatrabaho ngayong araw, babayaran ng double pay — DOLE

Manila, Philippines – Makakatanggap ng double pay na sahod para sa araw na ito ang mga manggagawa sa pribadong sektor na papasok sa trabaho ngayong November 30, Bonifacio Day na regular holiday.

Sa Labor Advisory No. 16, Series of 2018 na inisyu ng Department of Labor and Employment (DOLE), 200 percent ng kanilang arawang sahod ang matatanggap ng manggagawa para sa unang walong oras ng trabaho.

Samantala, kung nag-overtime naman ang manggagawa, makakatanggap siya ng dagdag na 30-percent ng kanyang hourly rate para sa araw na ito.


Kung nagkataon namang rest day ng manggagawa pero siya ay nagtrabaho, tatanggap siya ng karagdagang 30 percent ng 200 percent ng kanyang daily rate, at kung nag-overtime naman ay makakatanggap siya ng dagdag 30-percent ng kanyang hourly rate.

Para naman sa mga manggagawa na hindi pumasok sa trabaho, babayaran pa rin sila ng 100-percent ng kanilang sahod para sa araw na ito.

Facebook Comments