Bonifacio Day protests, ikakasa ng labor groups

Maglulunsad ng kilos protesta ang labor groups kasabay ng paggunita ng Araw ni Gat. Andres Bonifacio ngayong araw.

Ayon kay Kilusang Mayo Uni (KMU) Chairperson Elmer Labog, umaasa silang magkakaroon ng mapayapang protesta at walang panggugulo mula sa mga pulis.

Sakaling magkaroon ng untoward incident, bunga ito ng repression at harassment.


Nakiusap din ang grupo kay Presidential Spokesperson Harry Roque na pakiusapan ang mga pulis na igalang ang karapatan sa mapayapang pagtitipon.

Tiniyak ng KMU na maaari namang magsagawa ng malalaking pagtitipon basta nakasuot ang mga dadalo ng face masks sa isang open-air venue.

Lalahok ang KMU sa Workers Resist: Global Day of Action for Trade Union and Human Rights in the Philippines.

Ang iba’t ibang grupo ay magtitipon sa UP Diliman sa alas-10:00 ng umaga.

Magmamartsa naman ang Socialist labor alliance PAGGAWA sa iprisenta ang komprehesibong listahan na layong protektahan ang mga manggagawa at mahihirap mula sa epekto ng pandemya, global recession at climate change.

Magtitipon ang labor groups sa Bonifacio Shrine sa harap ng Tutuban Shopping Mall mamayang alas-8:00 ng umaga at magmamartsa patungong Mendiola sa alas-9:00 ng umaga.

Facebook Comments