Bonifacio Global City sa Taguig, magsasagawa ng earthquake drill bukas (September 29)

BGC, Taguig – Magsasagawa ng earthquake drill ang buong Bonifacio Global City sa Taguig bukas.

Dahil dito, nag-abiso ang community relations office ng BGC sa mga motorista na asahan na ang pagsisikip sa daloy ng traffic sa kasagsagan ng earthquake drill.

Bukod kasi sa maraming lansangan ang isasara, papatayin din ang lahat ng traffic lights sa buong BGC mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.


Kabilang naman sa mga kalsadang isasara at gagamitin bilang evacuation areas ang:

– 5th at 11th avenue sa pagitan ng 32nd street at 26th street
– 2nd at 3rd avenue sa pagitan ng 32nd street at 31st street
– 31st street mula 1st avenue hanggang Rizal Drive
– 7th avenue corner lane T
– 40th street corner 9th avenue

Facebook Comments