𝗕𝗢𝗡𝗦𝗔𝗜 𝗟𝗜𝗚𝗔 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗬𝗨𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Ikaw ba ay certified plantito at plantitas? Tiyak na iyong ma-iibigan ang mga bonsai na nakahilera sa Lucap Wharf, Alaminos City nito lamang nakaraang linggo bilang entry sa Bonsai Liga Awards 2023.
Kilala ang bonsai bilang isang maliit na puno na pinapatubo lamang sa paso at kapag itoy naalagaan ng matagal, ang puno ay kakikitaan ng katandaan subalit napapanatili parin ang maliit na sukat nito.
Agaw pansin ito sa mga Alameñians at ilang netizen sapagkat ibat ibang klase ng bonsai ang iyong makikita at kaaliw-aliw pagmasdan.

Samantala nakatanggap naman ng Certificate of Award and cash prize para sa nagmamay-ari ng bonsai na nagwagi sa patimpalak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments