BONUAN BOQUIG NATIONAL HIGH SCHOOL, WAGI SA GLOBAL ENGLISH LANGUAGE OLYMPIAD SA KOREA

Wagi ang Bonuan Buquig National High School (BBNHS) dito sa Dagupan City, matapos magtagumpay ang dalawang mag-aaral nito sa Global English Language Olympiad ng Southeast Asia na ginanap kamakailan sa Incheon, South Korea.

Si Yzteven Kish V. Casilang ay nagwagi bilang Champion at Diamond Awardee, habang si Mel Jabez C. Ubilas naman ay nakamit ang Silver Award, na nagpamalas ng kanilang kahusayan sa larangan ng wikang Ingles.

Ang kanilang tagumpay ay nagbigay ng malaking karangalan hindi lamang sa kanilang paaralan kundi pati na rin sa buong lungsod ng Dagupan at sa Pilipinas.

Sa ngayon, ang mga ito ay nagsilbing inspirasyon sa iba pang mag-aaral na maaaring makamit ang tagumpay kahit pa sa pandaigdigang entablado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments