Patuloy ang dagsa ng mga beachgoers sa Bonuan Tondaligan Beach, Dagupan City dalawang araw matapos ang salubong ng Bagong Taon.
Bagamat balik trabaho at eskwela na ang Ilan Marami sa mga bisita ang naging maaga pa sa kanilang pagdating, umaasa sa magandang panahon at sikat ng araw para mag-enjoy sa tabing-dagat.
Ang ilan naman ay pinili pang sulitin ang pagkakataon na makasama ang buong pamilya, lalo’t inaasahan nilang babalik sa normal ang kanilang rutina ng pagpasok sa trabaho at paaralan sa mga susunod na araw.
Patuloy ang pagbabantay ng mga life guards sa paligid ng dagat, na nagbibigay ng mga paalala at abiso sa mga naliligo, partikular na iwasan ang magtungo sa malalalim na bahagi ng dagat upang maiwasan ang insidente ng pagkalunod.
Nag-iikot din ang mga awtoridad upang tiyakin na ligtas at maayos ang karanasan ng mga beachgoers, lalo na sa mga oras ng pagligo hanggang hapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments