Boodletting Activity ng RMN Cauayan, Nakahanda Na!

Cauayan City,Isabela – naasahang dadagsain ng iba’t ibang grupo at indibidwal ang gaganaping bloodletting activity bukas ng RMN Cauayan.

Ito’y matapos na magpahayag ng suporta ang grupo ng mga motor raiders, ilang samahan ng mga guardians, mga pulis,sundalo, ilang indibidwal at mga None Government Organization’s na makikiisa sa buong lambak ng Cagayan.

Makakatuwang ng RMN Cauayan ang Red Cross Isabela Chapter at SM Cauayan City para sa naturang aktibidad na magsisimula bukas sa oras na alas nuebe ng umaga sa Bridge Way area ng SM Cauayan City.


Ipapamahagi ng RMN Cauyan sa mga blood donors ang isang token na kinabibilangan ng RMN T’shirts, mugs na may markang 98.5 DWKD RMN Cauayan at hygiene kit.

Dumating na kahapon ang mga gagamiting mga higaan at iba pang kailangan mula sa Red Cross Isabela para sa gaganaping bloodletting activity ng RMN Cauayan bilang bahagi ng 66th Anniversary ng RMN.

Samantala inaasahan ang isang daang blood donors na makikiisa sa gagawing bloodletting activity kung saan ito ang kaun-unahang proyekto ng RMN Cauayan simula nang nagbukas noong April 02, 2018.

Facebook Comments