Manila, Philippines – Inihayag ni Communications Secretary Martin Andanar ang ilang gagawin nila sa Ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darawing na 24 ng Hulyo.
Ayon kay Andanar, bukod sa visial aids na ipakikita habang nagtatalumpati ang Pangulo ay mamimigay din sila ng booklets sa mga Guest na maunuod ng SONA.
Paliwanag ni Andanar, doon ay makikita ang mga larawan ng mga malalaking accomplishments ni Pangulong Duterte sa nakalipas na taon.
Possible din aniyang magkaroon ng mga translators upang maintindihan ng mga miyembro ng Diplomatic Corps ang buong talumpati ng Pangulo.
Kumuha din aniya sila ng mga marunong ng sign language para naman sa mga manunuod sa telebisyon upang maihatid ni Pangulong Duterte sa lahat ng sector ang kalagayan ng bansa.
Booklets o brochures, ipamimigay sa SONA ng Pangulong Duterte
Facebook Comments