Booster dose ng BOQ, naging matagumpay sa NAIA Terminal 3

Ibinida ng pamunuan ng Bureau of Quarantine (BOQ) at pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na naging matagumpay ang kanilang pagbibigay ng booster shots sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3.

Ayon sa MIAA, sinimulan ang isinasagawang vaccination rollout sa mga adult at miyembro ng One Stop Shop (OSS) at miyembro ng kanilang pamilya o dependent na nakatapos na mabakunahan ng 2nd dose at nabakunahan ng 1st booster dose na hindi bababa sa tatlong buwan.

Ikinatuwa ng MIAA dahil nakuha nila ang kanilang target na mabakunahan 150 individuals gamit ang AstraZeneca vaccines at Pfizer vaccines.


Paliwanag ng MIAA sa mga mababakunahan ng 2nd booster dose ay kinakailangan na magdala ng vaccination card, para sa A1 Medical front liners at A2 Senior Citizens at para sa immunocompromised ay kinakailangan na magdala ng sertipiko ng doktor na nagsasabi na sila ay may mga karamdaman.

Libre rin inaalok sa mga pasahero ang COVID vaccine booster shots na nakakumpleto na ng primary vaccine series.

Facebook Comments