May nakalaan ng bakunang gagamitin bilang booster shot ang pamahalaan para sa A1, A2 at A3 priority group.
Ito ang tiniyak ni National Task Force o NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa harap ng hinihintay na lamang ang mga approval bago maikasa ang booster shot vaccination.
Ayon kay Galvez, mayroon nang nakahandang lima hanggang anim na milyong doses ng booster vaccines.
1.5 dito ay nakalaan para sa mga healthcare workers at 4.5 million naman ang para sa immunocompromised individuals.
Ang hinihintay na lang talaga ayon kay Galvez ay ang World Health Organization Strategic Advisory Group of Experts on Immunization guidelines, Food and Drug Administration Emergency Use Authorization o EUA amendments at ang Department of Health guidelines sa pagtuturok ng booster at third dose.