Booster shot ng Pfizer COVID-19 vaccine, sisimulan na ng Israel

Sisimulan na ng Israel ang pag-aalok ng booster shot ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Ayon kay Israel Health Minister Nitzan Horowitz, ibibigay ang booster shots sa mga adults na may mahinang immune system habang tinitimbang pa nila kung maaari na rin itong iaolk sa general public.

Dagdag ni Horowitz, pinamadali na nila ang pagdating ng sunod na shipment ng Pfizer vaccines sa Israel dahil na rin sa banta ng mas nakakahawang Delta variant.


Nabatid na mula sa single digit noong mga nakalipas na buwan ay sumampa na sa 450 ang bagong kasong naitatala sa Israel kada araw dahil sa nasabing variant ng COVID-19.

Facebook Comments