Booster shot para sa mga batang 11 taong gulang pababa, pinag-aaralan pa rin ayon sa VEP

Tuloy ang ginagawang pag-aaral ng Vaccine Expert Panel (VEP) sa data ng booster shot para sa mga batang limang taon hanggang 11 taong gulang.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Nina Gloriani, pinuno ng VEP na sa kasalukuyan ay mayroong dalawang manufacturers ang nag-aplay para sa Emergency Use Authorization (EUA) para dito.

Pero, masusi pa aniya nilang pinag-aaralan ang mga data.


Sa lalong madaling panahon umaasa si Gloriani na magkakaroon na sila ng rekomendasyon kaugnay rito.

Sa ngayon, tanging ang mga batang 12 taong gulang pataas ang pinapayagan pa lamang maturukan ng booster shot partikular na ng Pfizer vaccine.

Facebook Comments