Booster shot sa 18 taong gulang pataas, aprubado na ng FDA

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang booster shot ng mga 18 taong gulang pataas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Usec. Myrna Cabotaje na isinasapinal na lamang ngayon ang guidelines hinggil dito.

Ayon pa kay Cabotaje, sa sandaling matapos na ang guidelines ay inaasahang sa mga susunod na araw ay masisimulan na ang pagbibigay ng booster shot sa nabanggit na age group.


Ang FDA aniya ang mag-aanunsyo nito.

Sa ngayon kasi tanging mga medical healthcare worker, senior citizens at may mga comorbidity pa lamang ibinibigay ang booster shot o 3rd dose.

Facebook Comments