Booster shot sa bansa, nanatiling ipinagbabawal ayon sa NTF

Wala pang go signal ang National Task Force Against COVID-19 (NTF) upang magturok ng 3rd dose o booster shot.

Ayon kay NTF chief implementer Secretary Carlito Galvez nananatiling forbidden o ipinagbabawal ang pagtuturok ng booster shot.

Paliwanag ni Galvez, wala pa kasing sampung porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa ang fully vaccinated.


Sinabi pa nito na 90 milyong mga Pilipino pa ang naghihintay na mabakunahan upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.

Ani Galvez, hayaan munang mabakunahan ang lahat ng mga Pilipino bago pag-usapan ang booster shot.

Sa ngayon ayon kay Galvez, hirap pa rin ang pamahalaan na makakuha ng bakuna dahil na rin sa global shortage.

Giit pa nito, posibleng sa first quarter ng susunod na taon na maumpisahan ang 3rd dose base na rin sa payo ng mga medical expert na ang efficacy ng alinmang bakuna ay tumatagal ng hanggang isang taon.

Facebook Comments