Booster shots para sa COVID-19 vaccine, pinaghahandaan na ring bilhin ng gobyerno

Pinaplano na rin ng pamahalaan na bumili ng COVID-19 vaccine booster shot ng Moderna.

Sa joint hearing ng House Committees on Health at Trade and Industry, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez na pinag-aaralan na ng gobyerno na bumili ng booster shots na makakatulong sa epekto sa katawan ng COVID-19 vaccine.

Aniya, sa halip na bumili ulit ng dagdag na 5 million doses ng COVID-19 vaccine ng Moderna mula sa naunang 20 million doses na binili ay gagamitin o bibili na lamang ang pamahalaan ng booster shots.


Ang nasabing booster shot ng Moderna ay maaaring gamitin sa ibang brand ng COVID-19 vaccine.

Dagdag pa ni Galvez, inaasahang darating sa bansa ang bakuna ng Moderna sa Setyembre o Oktubre.

Paliwanag pa ng opisyal, kakailanganin pa ng patuloy na pagpapabakuna sa pamamagitan ng annual boosters sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon para tuluyang ma-eliminate o maalis ang sakit.

Batay naman kasi sa abiso ng mga vaccine manufacturers, tatagal ng anim na buwan hanggang isang taon ang effectivity o bisa ng mga bakuna.

Facebook Comments