Cauayan City – Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng iba’t ibang bayan sa buong Isabela ng kani-kanilang booth para sa nalalapit na Bambanti Festival 2025.
Ayon kay Ginoong William, noong nakaraang linggo pa lamang ay nagsimula na silang mag-ayos ng kanilang booth.
Aniya, hindi naman naging mahirap ang magtayo ng booth dahil marami naman silang katulungan mula sa kanilang bayan at sa suporta na rin ng kanilang alkalde.
Dagdag pa niya, sa darating na miyerkules ay maayos at buo na ang kanilang booth.
Bukod sa dito, ipinakilala na rin ang mga nagniningning at palaban na kandidata para sa Queen Isabela 2025 na gaganapin sa January 22.
Samantala, magaganap ang tinaguriang pinakamalaking festival sa buong lalawigan ng Isabela sa January 19-25, 2025.