Patuloy na dinadagsa ng publiko ang Bureau of Quarantine (BOQ) para sa mga nangangailangan ng International Certificate of Vaccination (ICV) kontra polio.
Simula kaninang madaling araw ay mahaba na ang pila at karamihan sa mga ito ay mga mag-aabroad para magtrabaho.
Inanunsyo ng hindi bababa sa labing siyam na mga bansa na ang mga Filipino na bibiyahe patungo sa kanila ay kailangang may sertipikasyon na dapat ay polio-vaccinated.
Ang BOQ ay matatagpuan sa Port Area sa Maynila, at bukas ito mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Ang BOQ ay nag-aalok ng libreng bakuna at pagkatapos nito ay magbibigay na sila ng ICV sa halagang P300, na may lifetime validity.
Pagpasok pa lamang sa gate ng BOQ ay bibigyan na sila ng “yellow paper” o OPV/IPV Questionnaire, puting papel na data form at numero.
Karaniwang oras ng proseso ay isa hanggang tatlong oras, depende sa dami ng tao at Kapag natapos na, bibigyan ang aplikante ng yellow card o ICV, na dapat ay dalhin kapag lalabas ng bansa dahil ipi-prisenta ito sa immigration.