Boracay at Bohol, unang bubuksan para sa mga turista – DOT

Inaasahang unang bubuksan bilang tourist destinations sa bansa ang isla ng Bohol at Boracay.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang Boracay ay nananatiling COVID-free habang isang kaso lamang ang naitala sa Bohol.

Pero iginiit din ni Puyat na mahalagang isailalim sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ang mga papasok na turista.


Importante rin para sa mga accomodation establishments na kumuha ng certificate of authority mula sa DOT para payagan silang magbukas ng kanilang mga negosyo.

Ngayong araw ay bibisitahin ng kalihim ang Boracay para silipin ang safety at health protocols sa mga accomodation establishments at paghahanda ng lokal na pamahalaan sa mga turista.

Facebook Comments