Boracay, bubuksan na sa publiko sa Oktubre

Aklan – Inaasahang bubuksan na sa publiko ang isla ng Boracay sa October 26.

Ito ay batay sa napagkasunduan ng inter-agency task force.

Pero paglilinaw ni Environment Secretary Roy Cimatu, na hindi pa rin papayagang mag-operate ang mga establisyimento na lumabag sa environmental laws.


Ayon kay Cimatu, sa mahigit 2,000 establisyimento na kanilang nainspeksyon, 90 pa lang ang nakasunod na sa batas.

Facebook Comments