Boracay inter-agency task force, maghihigpit na sa enforcement ng batas sa wastong ‘treatment process ng establisimiyento sa isla

Aklan – Mas maghihigpit ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglalagay ng sewerage treatment plants ng lahat ng establisimiyento sa Boracay Island.

Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na kahit naglabas na ng inisyatibo ang local government, hindi naman umano epektibong naipatutupad ang ordinansa para dito.

Ayon kay Secretary Cimatu, titiyakin ng Boracay inter-agency task force ang enforcement ng mga ordinansa upang masiguro na dumaan sa wastong ‘treatment process’ ang maruming tubig bago ito pakawalan sa karagatan.


Sinabi pa ng kalihim na ‘non-negotiable’ ang usapin sa harap ng nakatakdang reopening ng Boracay sa October 26 o anim na buwan makalipas ang ‘shutdown’ period para sa rehabilitasyon ng island destination ng bansa.

Kaugnay naman sa hinaing ng mga business owners sa isyu ng sobrang mahal na pagpapatayo ng individual o cluster sewerage treatment plants,

Iminungkahi ni Cimatu na ang Development Bank of the Philippines at Landbank of the Philippines ay handang tumulong sa konstruksyon ng mga planta.

Sa pamamagitan aniya ng dalawang government financial institution ay walang magiging ‘palusot’ ang mga business establishments sa Boracay Island para mabigong sundin ang demand sa kanila ng mga kinauukulan.

Facebook Comments