Agad na bumalangkas ng kaukulang hakbang ang Boracay Inter-Agency Task Force o BIATF sa ipinalabas na direktiba at pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pahihintulutan na ang mga casino na mag-operate sa Boracay Island.
Ang BIATF na pinamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Co-chaired ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Tourism (DOT) ay gagawa ng mga kaukulang hakbangin kaugnay sa ipinalabas na kautusan ng pangulo.
Tinitiyak ng BIATF na ang operations ng mga casino, at iba pang mga business establishment sa Boracay ay tumatalima sa kasalukuyang batas at ang bawat line agency ay magpapatuloy na babalikatin ang kanilang mandato na may layuning siguraduhin ang environmental sustainability sa naturang isla.
Pinaalalahanan ang lahat ng mga negosyo na magsumite ng mga requirement at accreditation processes kung saan titiyakin naman ng BIATF na ang tanging mga sumusunod lamang ang kanilang bibigyan ng kailangang permits.