Sa kabila ng mataas na COVID-19 cases, nakatakda nang buksan ang isla ng Boracay sa mga piling turista.
Ayon sa otoridad, tanging ang mga turista galing sa mga lugar na nasa General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine ang papayagang makapasok sa isla.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang ipapatupad sa Boracay gaya ng negatibong resulta ng RT-PCR test, na ginagawa 72 oras bago ang pagbiyahe.
Kailangan rin magpakita ng proof of booking sa mga hotel, at QR codes na gagamitin sa pagpasok sa ilang establisyemento.
Naniniwala ang lokal na pamahalaang nakakasakop sa Boracay na malaking tulong ito sa paunti-unting pagbangon ng kanilang ekonomiya.
Facebook Comments