BORACAY ISLAND | Duterte Administration, nakatikim ng papuri

Aklan – Pinuri ng Belgian Embassy ang desisyon ng Duterte Administration na nai-rehabilitate ang Isla ng Boracay.

Sinabi ni Belgian Ambassador to Manila Michel Goffin, ang paglinis ng Boracay ay good decision o napakahusay na desisyon na ginagawa ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinuri din ni Ambassador Goffin, ang planong rehabilitasyon ng gobyerno sa iba pang mga kilalang tourist destinasyon sa Pilipinas, kabilang ang El Nido sa Palawan.


Sinabi pa ng diplomat, ang pilipinas ay napakagandang bansa, hindi lamang ang Boracay at El Nido, kundi ang iba pang mga lugar, kayat marapat lamang na sama samang itong panatilihing malinis.

Ayon kay Goffin, ang rehabilitasyon ng isla ay isang hakbang patungo sa sustainable tourism o iyong turismong may positibong epekto sa kapaligiran at ekonomiya ng Isla.

Kung matatandaan, ang Boracay Island na tinaguriang “island paradise” ay isinara sa loob ng anim na buwan simula noong Abril 26 hanggang Oktubre 26 taong kasalukuyan matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte upang bigyan-daan ang isasakatuparang paglilinis at rehabilitasyon sa isla.

Tinawag ni Duterte ang Boracay bilang “cesspool” dulot na rin ng pollution, overcrowded sa mga turista, tambak na basura, mga iligal na mga imprastraktura at iba pang isyung pangkapaligiran.

Facebook Comments