Bumagsak ang tourist arrival sa isla ng Boracay bunsod ng ipinatupad ng National Capital Region o “NCR Plus” bubble.
Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, apektado na ang ilang negosyo sa isla dahil sa kawalan ng mga turista kung saan malaking porsiyento ng mga bisita ay mula sa NCR, Rizal, Cavite, Laguna, at Bulacan.
Nanghihinayang aniya ang mga hotel at resort owner kasunod ng pagkansela ng mga turistang nagpa-book para sana sa nakatakdang bakasyon sa Semana Santa.
Simula noong Marso 23, ang tourist arrival sa Boracay ay umaabot na lamang sa 40 hanggang 50 bawat araw.
Facebook Comments