Boracay Island, ‘sarado’ na para sa mga mayayaman – PRRD

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na “sarado” na para sa mga mayayaman ang isla ng Boracay.

Ito ay kasunod na rin ng isinasagawang land reform program na layong bigyan ng sariling lupa ang mga residente sa lugar.

Ayon sa Pangulo – maaring ibenta ng mga benepisyaryo ng land reform ang kanilang lupa pagkatapos ng 10 taon para matamasa ang maayos na pamumuhay.


Iginiit din ng Pangulo na hindi siya nagpapakabayani sa pamamagitan ng pagpapatupad ng land reform program sa Boracay.

Facebook Comments