BORACAY LAND | DAR, balak iprisinta sa susunod na cabinet meeting ang dalawang proposals para sa pagpapatupad ng agrarian reform sa Boracay

Manila, Philippines – Plano ng Department of Agrarian Reform (DAR) na iharap sa susunod na cabinet meeting ang dalawang proposals para sa pagpapatupad ng agrarian reform sa isla ng Boracay.

Ayon kay DAR Undersecretary David Erro, inaasahang tatalakayin ni Secretary John Castriciones ang mga proposal sa nakatakdang cabinet meeting sa Lunes June 11.

Ang unang proposal ay ang isang Executive Order (EO) kung saan itu-turn over ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang agrarian reform-coverable land ng Boracay sa DAR.


Ang ikalawang proposal ay ang paglalaan ng kapirasong lupa o land strip kung saan mananatili ang mga ilang istraktura para sa gayon ay magamit sa agrikultura ang natitirang bahagi ng isla.

Nagsasagawa na ng konsultasyon ang DAR sa mga agricultural engineers para sa pagsusulong ng crop-planting sa isla kabilang ang paglalagay ng top soil.

Facebook Comments