Kinumpirma ng AirAsia Philippines na ang Caticlan pa rin ang nangungunang destinasyon ngayon para sa mga biyaherong Pilipino.
Bunga nito, lalo pang pinalakas ng tinaguriang World’s Best Low-Cost Airline ang kanilang partnership sa transportation at tourism agencies.
Sa harap ito ng inaasahan pang pagtaas ng volume ng mga biyahero ngayong huling bahagi ng taon o ngayong Holiday season.
Nakipagpulong na rin si AirAsia Philippines Chief Executive Officer Ricky Isla kay Tourism Secretary Christina Frasco kung saan kabilang sa tinalakay nila ang hinggil sa pagtulong ng air carrier sa promotion ng mga lokal na turismo sa bansa.
Kinumpirma rin ni Isla na sa international destinations, nangunguna naman ang Seoul, Singapore, Osaka, at Bangkok.
Samantala, nagpaalala ang AirAsia sa mga bibiyahe mula November 1, 2022 hanggang June 30, 2023 na nagbibigay sila ng 20% discount sa mga kukuha ng plane ticket hanggang sa October 23.