BORACAY | Pinsan ni dating PNoy, kasama sa mga kinasuhan ng NBI

Tatlong panibagong reklamo ang isinampa ng NBI sa DOJ laban sa ilang nagma-may ari ng resort sa Boracay.

Kasama na isinampa ng NBI ang kasong paglabag sa revised forestry code ng bansa.

Ang mga kinasuhan ay ang presidente ng Playa Asia Resort na si Ramon Cojuangco Jr. na pinsan ni dating Pangulong Noynoy Aquino, gayundin ang mga opisyal ng Sky Garden De Boracay Mansion at ang Kingfisher’a Farm ng isang architect Lara Salaver.


Kasong graft naman ang isinampa ng NBI laban sa mga lokal na opisyal na sina Malay, Aklan Mayor Ceciron Cawaling at dating Mayor John Yap, gayundin ang municipal engineer and building official, municipal zoning officer, provincial assessor office at iba pa municipal at bibigyan naman ang respondents ng pagkakataon para makapaghain ng kanilang kontra salaysay sa sandaling mai-raffle na ang reklamo sa DOJ.

Facebook Comments