Humihirit ng dagdag na panahon ang Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) para tapusin ang kanilang mga proyekto.
Isang resolution ang isinumite ng BIATF kay Pangulong Rodrigo Duterte para hilingin ang extension ng term Task Force para sa isa pang taon.
Ito’y habang hinihintay pa ang pagpasa ng Kongreso para sa panukalang pagbuo ng isang permanenteng regulatory body na susubaybay sa sustainable development at balanced growth ng kilalang isla.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, maraming nagawang pagbabago sa isla magmula nang nilikha ni Pangulong Duterte ang Task Force noong May 2018 partikular sa aspeto ng rehabilitation at ecological sustainability matapos na mauwi sa cesspool condition ang Boracay island dahil sa kapabayaan.
Bukod pa rito, maraming proyekto ang naantala dahil sa pandemya.