Boracay rehab, target na tapusin ng Task Force sa May 2021

Tatapusin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isinasagawang rehabilitasyon ng Boracay sa Mayo ng susunod na taon.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang taong extension ang Boracay Inter-Agency Task Force upang matapos ang mga naantalang trabaho upang maibalik ang ganda ng tinaguriang “World-famous Resort Island.”

Pansamantalang isinarado ang isla bilang bahagi ng hakbang na maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.


Sa kasalukuyan, sinabi ni Cimatu na prayoridad para sa rehabilitasyon ng Boracay hanggang Mayo 2021 ay ang pagpapatupad ng “easement laws” upang tuluyang ma-i-alis ang mga nakasagabal sa beachfront at iba pang roads obstructions.

Nitong Hunyo 8, 2020 ang 25+5-meter easement ay nasa 69 percent nang maayos habang ang 12-meter road easement ay nasa 73 percent na.

Titiyakin din ng Task Force na masusunod ang “capacity regulations” sa Boracay na hanggang 6,405 na turista lamang.

Facebook Comments