BORACAY REHABILITATION | Mahigit 10,000 turista, umalis na ng Boracay

Aklan – Umabot sa 12,000 mga turista ang umalis ng Boracay, isang araw bago simulan ang anim na buwang pagsasara ng isla para sa rehabilitasyon nito.

Sabi ni Cagban Port Administrator Niven Maquirang, tinitingnan naman ng mga otoridad ang posibilidad na palawigin pa ang deadline sa pagkuha ng terminal pass para sa mga manggagawa sa isla.

Alas-singko ng hapon nitong Miyerkules ang deadline sa lahat ng mga empleyado ng isla na kukuha ng terminal pass, na magsisilbing pahintulot para makapasok at makalabas isla ng Boracay.


Maliban sa port, dinagsa rin ng mga manggagawa sa Boracay ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makahingi ng transportation allowance pauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Facebook Comments