Manila, Philippines – Iginiit ni Senadora Nancy Binay sa Malacañang na magtalaga ng boracay czar na syang magiging in charge sa rehabilitasyon na isinasagawa sa isla.
Ang mungkahi ni Binay ay makaraang lumabas sa pagdinig ng Senado ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan ang dahilan kaya nadi-delay ang rehabilitation projects sa Boracay.
Ayon kay Senadora Binay sa ngayon, ang pagsasaayos sa Boracay ay pinamamahalaan ng Task Force Boracay na isang inter agency lamang at pinamumunuan ni Environment Secretary Roy Cimatu.
Binanggit pa ni Binay na maging ang mga residente sa Boracay ay nalilito kung sino talaga ang in charge sa mga hakbang sa Boracay.
Diin ni Binay, ang itatalagang Boracay czar ay magkakaroon ng final say at siyang magdedesisyon kapag nagkaroon na ng aberya lalo na at lumalabas na may mga issue pala sa pagitan ng mga ahensiya mismo ng gobyerno.