Manila, Philippines – Sesentro bukas ang paksang diwa ng selebrasyon ng Earth day ang isyu ng Boracay Islands at polusyon sa karagatan.
Nakatakdang pangunahan ni DENR Secretary Roy Cimatu ang Earth Day celebration bukas sa Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City .
Ang ongoing rehabilitation efforts ng pamahalaan sa Boracay Islands ang isa sa mga highlights ng State of the Environment Address ni Cimatu sa nasabing selebrasyon.
Tema ng selebrasyon ngayong taon ay ang Green the Cities, Green the Oceans.
Ito ay pagpapakita ng suporta ng bansa sa international goal para wakasan na ang plastic pollution sa karagatan sa pamamagitan ng tamang pamamahala sa solid waste management.
Nasa ikatlong ranggo ang Pilipinas na may pinakamataas na pinagmulan ng plastic pollution sa global waters kasunod ng China at Indonesia.
Ito ay base sa 2015 report ng Ocean Conservancy and McKinsey Center for Business and Environment
Ang talamak na paggamit ng plastic ang nagdulot ng polusyon na nakakalason na sa marine life at may negatibong epekto sa kalusugan ng tao ,sa karagatan ,sa mga landscape at pagbara sa mga waterways.