BORACAY TEMPORARY CLOSURE | Bilang ng mga pamilyang apektado ng pagsasara ng isla ng Boracay island, tinukoy na ng DSWD

Manila, Philippines – Tinukoy na ng Department of Social Welfare and Development ang kabuuang bilang ng mga pamilya na mabibigyan ng ayuda dahil sa pagsasara ng Boracay island .

Ayon kay DSWD Field Office 6 Regional Director Rebecca Geamala , head ng Boracay ground operations , may 29,915 na kabilang sa mga mahihirap na pamilya , 27,201 ang nasa ilalim ng 4ps; 14,109 sa ilalim ng sustainable livelihood program; 45,826 ang nasa social pension program; at 14,447 ang nasa ilalim ng supplemental feeding program.

Batay sa datos ng DSWD mula sa rehiyon, lumilitaw na 2,348 household members ng pantawid pamilya ay maapektuhan ng closure.


Asahan pa na tataas ang bilang ng mga pamilya habang tinatapos pa ang validation ng DSWD field office.

Limilitaw din sa preliminary impact assessment na ginawa ng DSWD, kabilang sa mga potential problems ng mga pamilya ay ang mawawalan ng negosyo, kabuhayan at trabaho, mga kabataan na hindi na pumapasok sa eskuwelahan, internal displacement ng mga indibidwal at iba pa.

Batid ng ahensiya na ang pagpasara sa Boracay ay nagdulot ng negatibong epekto sa mga pamilya at kabuhayan ng mga ito.

Nangako naman ang DSWD na gagawin ang lahat para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Kaugnay nito, maglalagay ng ng dalawang operations center ang DSWD sa Aklan sa Abril 26, para mapabilis ang release ng tulong at emergency welfare services sa mga pamilyang apektado ng Boracay closure.

Facebook Comments