Manila, Philippines – Kinukunsulta na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga residente sa Boracay Island na maapektuhan ng pagsasara at rehabilitasyon ng isla.
Ayon kay DSWD OIC Emmanuel Leyco, may ginagawa na silang mga komprehensibong plano para asistihan ang mga residente lalo na ang usapin sa kanilang sitwasyon at kabuhayan.
Partikular na inaalam na ng DSWD ang bilang ng pamilya, mga kabataan , senior citizens, at iba pang miyembro ng pamilya sa isla.
Nagpahayag na ng takot at pangamba ang mga residente na baka tuluyan na silang mawalan ng bahay at kabuhayan dahil sa rehabilitation efforts na ginagawa ng pamahalaan.
Tiniyak naman ng DSWD na makakaasa sila ng tulong mula sa pamahalaan katunayan may mga pakikipag-ugnayan na ito sa iba pang ahensiya para tugunan ang mga alalahanin ng mga apektadong pamilya.