
Manila, Philippines – Naglaan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 77 milyong piso para sa pagpapatupad ng cash-for-work program para sa mga residente at manggagawang apektado ng temporary closure ng Boracay Island.
Aabot sa 8,000 displaced workers at residents ang maaring ma-avail ang programa lalo na sa Barangay Balabag, Yapak at Manoc-Manoc.
Bukod sa pagtanggap ng mga manggagawa, ang DSWD operations center ay patuloy ding nagbibigay ng financial assistance.
Mula April 23 hanggang May 21, ang operations center ay nakapamahagi na ng kabuhuang higit 18,000,000 pesos sa halos 8,000 indibidwal.
Facebook Comments









