BORACAY TEMPORARY CLOSURE | Inter agency task force iminungkahing itayo sa isla ng Boracay

Manila, Philippines – Napapanahon na upang magtatatag ng isang ahensya na tututok sa sitwasyon at kapakanan ng Boracay Island.

Ayon sa Department of Tourism (DOT) matapos na mabunyag kung gaano kalala ang sitwasyon sa pamosong Isla, hindi na dapat pang patagalin ang pagtatatag ng Boracay Island Development Authority.

Binigyang halimbawa ni DOT Undersecretary Ricky Alegre ang ginagawang pamamahala sa Subic at Clark na itinatag din ng gobyerno na ngayon ay napapakinabangan ng lahat ng stakeholders sa lugar.


Ayon pa kay Alegre ang naturang panukala ay matagal na nilang hinihintay na maisulong sa isla ng Boracay.

Sinabi pa nito na ngayon pa lamang ay nakakatanggap na sila ng positibong pagsuporta hinggil sa nasabing pagtatatag ng Boracay Island Development Authority.

Katunayan may isa na aniyang barangay sa Boracay ang nag alok na magamit ng gobyerno para mapagtayuan ng tanggapan ng inter agency task force habang isinasagawa ang paglilinis at rehabilitasyon sa Boracay Island

Facebook Comments