BORACAY TEMPORARY CLOSURE | Kontrobersyal na larawan ng isang aktor sa Boracay, pinaiimbestigahan na

Manila, Philippines – Pina-iimbestigahan na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang kontrobersyal na larawan ng isang aktor na nasa isla ng Boracay.

Sa post ng aktor na si Diego Loyzaga, anak ni Tourism Promotion Board Chief Operating Officer Cesar Montano, makikitang nasa Boracay siya kasama ang dalawang kaibigan.

Dahil sa sunod-sunod na negatibong komento, nagpaliwag si Loyzaga na matagal ng kinunan ang litrato.


Alam rin aniya niyang sumasailalim sa rehabilitayson ang Boracay at wala siyang intensyon na mambastos.

Gayunman, sa huli ay humingi ng paumanhin ang aktor.

Facebook Comments