Border control at mahigpit na health protocols, dapat ituloy habang hindi pa nakakamit ang herd immunity

Binigyang diin ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na dapat ipagpatuloy ang pagpapatupad ng health protocols habang hindi pa natin naaabot ang herd immunity.

Tugon ito ni Go sa pahayag ng World Health Organization (WHO) na hindi pa maituturing na low-risk sa COVID-19 ang Pilipinas.

Sinabi ni Go na ayon sa pananaw ng ilang health expert, marami ang naging kampante noong dumating ang unang batch ng mga bakuna kaya lumobo ang kaso ng COVID-19 noong Marso at nagkaroon ng bagong lockdown.


Bukod dito ay nanindigan din si Go na mas dapat paigtingin ang border control upang mapigilan ang pagkalat ng mga bagong at delikadong variant ng COVID-19.

Apela ito ni Go sa mamamayan lalo na sa mga biyahero, habaan pa ang pasensiya at sumunod sa mga protocols tulad ng itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bilang ng araw ng quarantine upang maiwasang bumagsak ang healthcare system ng bansa.

Facebook Comments