Iginiit ng OCTA Research Group ang kahalagahan ng pagpapanatili ng border control para maiwasan ang resurgence ng COVID-19 cases mula sa sa high-risk areas sa labas ng NCR plus.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, maaaring ikonsidera ang pagluluwag ng restrictions lalo na at bumubuti na ang sitwasyon sa Metro Manila.
Mula aniya sa 50% ng kaso na mula sa NCR noong kasagsagan ng surge ay bumaba na ito sa 16%.
Pero ipinaalala ni David sa pamahalaan na mahigpit na bantayan ang border policies lalo na sa mga rehiyon na may high risk classification.
Facebook Comments