Border ng Negros Oriental, bantay-sarado ng PNP at AFP

Bantay-sarado ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng entry at exit points sa Negros Oriental.

Sa gitna ito ng nagpapatuloy na hot pursuit operation laban sa natitira pang mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare, tagapagsalita ng Special Investigation Task Group, naniniwala silang hindi pa nakalalabas ng probinsya ang mga suspek.


Sa ngayon, apat na sa mga sangkot sa assassination ang naaresto ng mga awtoridad habang isa ang napatay sa operasyon.

Hindi naman sinang-ayunan ng PNP ang panukalang magdeklara ng State of Emergency sa Negros Oriental dahil nananatili umanong manageable ang sitwasyon sa probinsya.

“Kaya pa naman po ng PNP na i-stabilize ang sitwasyon doon dahil nagsanib puwersa na nga po ang PNP at AFP. In fact, napakaganda po ng resulta ng pagsasanib puwersa ng PNP at AFP that led to the immediate arrest po, at least within six hours po ay nakuha na po natin yung tatlo sa apat na mga suspek dito sa kaso na ito,” ani Fajardo sa interview ng DZXL.

Facebook Comments